Tatlong Pinoy ang napabilang sa listahan ng Forbes Magazine bilang mga ‘Heroes of Philantrophy’ para sa taong ito.
Kabilang sa mga kasama sa listahan ang dating aktres na si Nanette Medved-Po, at ang mag-pinsan na sina Daniel at David Zuellig.
Si Medved-Po ay founder, chairperson at presidente ng Generation of Hope at Friends of Hope na nagdodonate ng mga pondo mula sa pagbebenta ng bottled water.
Ang naturang pondo ang siyang ginagamit ng foundation upang makagawa ng mga silid-aralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan, nakapagtaguyod na si Medved ng 37 classrooms mula sa pagbebenta ng nasa 9 na milyong bottled water.
Si Medved ay maybahay ng negosyanteng si Christopher Po na pinuno ng Century Pacific Food Group Inc., at Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc.
Samantala, Ang magpinsang David at Daniel Zuellig na pinuno ng Zuellig Family Foundation ang nangunguna sa good governance program na sumasakop na sa 640 munisipalidad.
Nakapagbigay na rin ang 2.3 milyong dolyar na ang Zuellig Group sa foundation ng magpinsan na napapakinabangan ng mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.