Patay na bata, nadiskubre sa bagahe sa Zamboanga port

 

May nakitang lamang patay na bata ang isang bag matapos itong dumaan sa baggage scanner sa terminal ng Zamboanga Port.

Ayon sa Coast Guard, pag-aari ng isang Alex Insana ang naturang bag.

Papunta umano si Insana ng Basilan.

Ayon naman kay Insana, anak ng kanyang tiyahin na si Andah Kabulot ang bata.

Dagdag pa nito, inutusan siya ng kanyang tiyahin na iuwi sa kanilang probinsya ang anak nito upang ilibing, sang-ayon na rin sa Muslim rites.

Dumating naman ang isang kamag-anak ni Insana upang ipakita ang death certificate ng bata kaya’t pinalaya rin ng otoridad si Insana.

Read more...