Umano’y user ng droga, patay sa pananambang sa Maynila

 

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang drug user matapos pagbabarilin sa G. Tuazon St. Corner Masbate, Brgy 567, Sampaloc, Manila.

Kinilala ang biktima na si Angelito Pigao, 38 years old, isang tricycle driver.

Ayon sa kanyang kapatid na si Ofelia Pigao, aminado syang drug user ang kanyang kuya pero paglilinaw nya, mabait ang kanyang kapatid at hindi ito nananakit ng tao.

Sa katunayan nga raw ay una na itong sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP noong nakaraang taon.

Base sa ekasaminsyon ng SOCO, 4 na tama ng baril mula sa caliber .45 ang tinamo ng biktima at isa sa leeg, isa ilong, at dalawa sa dibdib.

Narekober naman mula sa biktima ang isang pitaka na naglalaman ng mahigit 100 piso,susi ng tricyle na ginagamit nya, isang suklay, nail cutter at singsing.

Read more...