Itinanggi ng China ang laman ng Europol report na nagsasabing ang naturang bansa umano ang pangunahing source ng mga pekeng gamit na nakakapasok ng Europa.
Nakasaad sa report ng Europol na ang Hong Kong ang nagsisilbing transit point ng mga pekeng gamit mula sa China.
Laman din sa report na mula sa datos ng US Chamber of Commerce, 72 porsyento ng mga pekeng gamit na nasa Europa, Japan, at Estados Unidos at nanggaling sa China.
Halos 12.5 porsyento ng kabubuuang export ng China ay puro pekeng kagamitan, habang lagpas 1.5 porsyento ito ng GDP ng nasabing bansa.
Ayon kay Sun Jiwen, tagapagsalita ng Commerce Ministry ng China, kailangang pag-aralang mabuti ang authenticity ng nasabing report.
Dagdag pa nito, ipagpapatuloy nila ang “intense crackdown” ng mga intellectual property violations, lalo na iyong mga pagluluwas ng gamot at gamit para sa infrastructure.