Ayon kay Trillanes, nakarating umano sa kanyang impormasyon na matagal na palang iniimbita ng programang Hardtalk si Duterte.
Interesado umano ang programa at pamunuan ng BBC na makapanayam ang pangulo sa Hardtalk at nag-alok pa na sasadyain pa ang pangulo dito sa bansa pero hanggang sa ngayon umano ay hindi sumasagot dito ang panagulo.
Ayon pa kay Trillanes, kilala ang Hardtalk program ng BBC sa kontrobersiyal at mahirap na paraan ng pagtatanong, kung saan nilalagay sa pagiging defensive ang mga kinakapanayam nito.
Ilan sa mga kilalang naging bisita ng programa ay ang mga Pangulo na sina Donald Trump ng US, Hugo Chavez ng Venezuela, Pervez Musharraf ng Pakistan, Thabo Mbeki ng South Africa, ang Dalai Lama, at marami pang iba.
Naging viral sa Facebook ang umanoy pagkapahiya ni Trillanes sa interview dahil hindi umano nito nasagot ng maayos ang mga tanong ng presenter na si Stephen Sackur pero giit ng senador, mga spliced at pinutol ang interview na ipinost ng mga Duterte supporters online para palabasin na napahiya ito sa panayam.