Babaeng sakay ng e-bike patay sa freak accident sa Maynila

Photo: Papagibs Mantile Santiago

Patay ang isang e-bike rider makaraang aksidenteng sumalpok sa bakod na bakal sa harap ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila, kaninang umaga.

Base sa pahayag ng mga saksi, inatake ng epilepsy ang biktima habang sakay ng E-bike dahil nakita nila itong nangisay bago tumama ang mukha sa mga matutulis na bakal sa bakod ng Plaza San Lorenzo Ruiz.

Sa pag-semplang ng biktima ay bumaon ang bahagi ng bakod na bakal sa kanyang kaliwang mata hanggang sa kanyang ulo.

Kinilala naman ni Chief Inspector Fernando Reyes, Public Information Officer ng MPD Station 11, ang biktima na si Emelita Vergara, 51 taong gulang.

Pasado ala syete ng umaga nangyari ang aksidente.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross at dinala ang biktima sa Metropolitan hospital kung saan siya ay idineklarang dead-on-arrival.

Read more...