Umakyat na sa 44 ang bilang ng mga nasawing sibilyan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Ang paglobo ng bilang ay bunsod ng patuloy na pagkakatuklas ng mga sundalo sa mga labi ng mga sibilyan na pinatay ng Maute terror group.
Sa pinakahuling datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) umabot naman na sa 1,711 na sibilyang naipit sa bakbakan ang kanilang nailigtas.
Sa ngayon, mayroong 303 na kalaban na ang napatay at 75 naman sa panig ng sundalo.
Patuloy ang isinasagawang clearing operations ng mga militar sa mga lugar na kinubkob ng Maute upang maghanap ng mga naipit pang sibilyan.
Una nang sinabi ng AFP na maaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawing sibilyan habang patuloy ang kanilang clearing operations.
Sa inilabas na larawan ng Crisis Managament Committe, sa bahagi ng Bangolo sa Marawi City ay makikitang nagkalat ang mga bungo at kalansay ng tao.