Noong Oktubre ay nakapanayam ng Australian police si Pell sa Rome hinggil sa mga alegasyon laban sa kaniya na mariing itinanggi ng cardinal.
Ayon kay Australian Deputy Commissioner Shane Patton, isinampa na nila ang kaso laban kay Pell dahil sa kaniyang sexual assault offenses.
Pinadalhan na rin ng summon ang 76 anyos na si Pell at pinahaharap sa Melbourne Magistrates Court sa July 18 para sa pagdinig sa kaniyang kaso.
Tumanggi naman na si Patton na maglahad ng iba pang impormasyon hinggil sa kaso ni Pell at sinabing kailangang i-preserve ang integridad ng judicial process.
Si Pell ay naordinahan bilang pari sa Roma noong 1966 bago ito bumalik sa Australia noong 1971.
Taong 2014 nang magtungo siya sa Vatican matapos hirangin ni Pope Francis bilang finance chief.