Pulis arestado sa buy-bust operation sa Cebu

CDN PHOTO

Arestado ang isang aktibong pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa Naga City, Cebu.

Ang suspek na si PO2 Ronjie Magsayo Nadora, 37-anyos ay aktibong pulis at naka-assign sa Regional Personnel Holding Admin Unit ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7).

Ikinasa ng Regional Intelligence Division – 7 (RID-7) ang buy-bust operation sa bahay ni Nadora sa Barangay Tuyan, Naga City, Huwebes ng umaga.

Naaktuhan pa ang suspek na naglalaro ng mahjong sa bahay kasama ang tatlong iba pang lalaki nang ikasa ng mga pulis ang operasyon.

Ayon sa mga otoridad, nahulihan nila ng droga ang suspek na ngayon ay isinasailalim na sa imbentaryo.

 

 

 

 

 

Read more...