Hindi pa rin normal ang operasyon ng Pasig River Ferry.
Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ngayong araw, June 29, Gudalupe Station hanggang Pinagbuhatan Station at pabalik lamang ang biyahe ng ferry.
Habang wala pa ring biyahe mula Guadalupe Station hanggang Plaza Mexico at pabalik.
Ito ay dahil pa rin sa makapal ma water lilies sa Ilog Pasig.
Hindi pa matukoy ng MMDA kung kailan maibabalik ng buo ang operasyon ng ferry.
MOST READ
LATEST STORIES