Hinatuan, Surigao Del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur alas 4:37 ng umaga ng Huwebes.

Naitala ang pagyanig sa 75 kilometers East ng Hinatuan na may lalim na 19 kilometers.

Inaalam pa ng Phivolcs ang mga lugar kung saan-saan naramdaman ang pagyanig.

Samantala, alas 11:22 kagabi nang yanigin ng magnitude 3.9 na lindol ang Bislig City sa Surigao del Sur.

Naitala ang Intensity 3 sa Bislig City bunsod ng nasabing lindol.

 

 

 

Read more...