Nilinaw ni Duterte na batay sa Saligang Batas, tanging si Vice President Leni Robredo lang ang kaniyang successor at wala nang iba.
Sinabi ito ng pangulo bilang tugon sa self-proclamation ng abogadong si Ely Pamatong bilang Pangulo ng Pilipinas.
Si Pamatong ay isa rin sa mga nag-nais na tumakbo bilang pangulo noong nakaraang eleksyon, ngunit idineklarang “nuiscance candidate” ng Commission on Elections (COMELEC).
Tinawanan lang ni Duterte ang ginawa ni Pamatong at tinawag itong “pretender to the throne” na umaasang malapit na siyang mamatay.
“Kaya sasabihin ko sa inyo na may problema rin tayong isa because there is a pretender to the throne, assuming that I die within maybe tomorrow, next year, or next month,” ani Duterte.
Ipinagkibit-balikat na lang ng pangulo ang self-proclamation ni Pamatong, at sinabing si Robredo lang ang maaring mag-takeover kung mabakante man ang kaniyang posisyon.
“Eh ngayon, nandiyan si Leni. Baka magkamali kayo ng kampo ha. Dito tayo sa Constitution. There is a successor there,” giit ni Duterte.