Sa isang panayam, sinabi ni DILG-OIC Sec. Catalino Cuy na sa kabuuang 496 na China-made fire trucks na binili ng gobyerno, 37 percent dito o 176 ang depektibo.
Mula aniya sa simpleng depekto na sira sa side mirrors, hanggang sa mga seryosong depekto tulad ng sira sa makina, at sudden acceleration ang nadiskubre sa mga fire truck.
Sinabi din ni Cuy na inayos at ginagamit ngayon ng Bureau of Fire Protection ang mga truck na mayroong minor defects.
Habang ang mga fire truck na mayroong malaking depekto ay hindi na nagagamit.
Dapat aniyang palitan ng supplier ang mga naitalang depektibong fire trucks.
Ani Cuy, pinag-aaralang ngayon ng DILG ang isang rekomendasyon sa Commission on Audit na pagbayarin ang supplier ng P16 million.
Binanggit din ng opisyal na aabot sa 400 na munisipalidad sa buong bansa ang walang sariling fire trucks.