Miyembro ng AKP, arestado sa GenSan

 

Nasukol ng mga pulis ang isang hinihinalang miyembro ng Ansar al Khilafah Philippines (AKP) na taga-suporta ng Islamic State group, sa isang operasyon sa General Santos City.

Ayon kay Senior Supt. Maximo Layugan, kabilang ang naaresto nilang si Abdulazis Mangambit alyas Ram-ram Tungan sa ikalawang Arrest Order na inilabas ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Si Mangambit ay isa sa mga miyembro ng AKP na sangkot sa mga pagpapasabog ng granada sa Maasim at Kiamba sa Sarangani ilang taon na ang nakalilipas.

Isinailalim naman na si Mangambit sa interogasyon si Mangambit.

Read more...