Dumistansya ang Malakanyang sa mga kinakaharap na kasong katiwalian ng Chinese Real estate tycoon na si Huang Rulun na matatandaang nag-donate ng malaking halaga ng pera para sa mega rehabilitation center sa Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Sec. Ana Maria Banaag, internal na usapin ito sa China na siyang magsasagawa ng imbestigasyon at labas dito ang Pilipinas.
Gayunman, garantiya ni Banaag na kaisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya ng China kontra kurapsyon.
Si Huang Rulun ay isang real estate developer na nag-donate ng P1.4-Billion sa Duterte administration para sa pagpapatayo ng tinaguriang Mega rehab facility sa Fort Magsaysay sa General Tinio Nueva Ecija.
Ayon sa Forbes Magazine, umaabot ngayon ang yaman ni Huang $3.6 billion at sinasabing ika-apatnapu’t siyam sa pinaka-mayaman sa China.
Pero sa ulat ng Financial Times, nahaharap si Huang sa bribery issue sa China./Isa Umali
Excerpt: Si Huang Rulun ay nag-donate ng P1.4-Billion sa Duterte administration para sa pagpapatayo ng mega rehab facility Nueva Ecija.