Kahabaan Padre Faura sa Maynila, okupado ng libu-libong miyembro ng INC

11943385_893279887405237_57163878_n
Kuha ni Ruel Perez

Umabot na sa tatlong libong miyembro ng Iglesia ni Cristo ang nagtitipon-tipon ngayon sa kahabaan ng Padre Faura Street sa Maynila.

Marami sa mga INC members ay naglatag lang ng mahihigaan sa kalsada at doon na nagpalipas ng gabi.

Dahil puno ng tao ang buong Padre Faura, hindi ito nadadaanan ng mga sasakyan at apektado rin ang ang mga tanggapan sa nasabing lugar kabilang ang University of the Philippines (UP) Manila, main entrance ng Supreme Court (SC), main entrance ng Department of Justice (DOJ) at ang entrance ng Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa ilang kasapi ng INC na nakausap ng Radyo Inquirer, hindi sila aalis sa lugar at patuloy na ipoprotesta ang anila ay panghihimasok ni Justice Sec. Leila de Lima sa sigalot sa loob ng INC.

Dahil sa nasabing pagtitipon, nagpa-abiso na ang Korte Surpema sa kanilang mga empleyado na iwasan na lamang muna ang dumaan sa Padre Faura at gamitin ang ibang daanan papasok ng SC.

Samantala, sa update ng reklamong isinampa ng itiniwalag na ministro na si Usaias Samson Jr., sasailalim pa lamang sa preliminary investigation ang reklamo nitong illegal detention.

Wala pa rin petsa kung kailan magsisimula ang imbestigasyon at wala pa ring piskal na naka-assign sa reklamo.

Read more...