Pinay na si Maureen Wroblewitz, wagi sa Asia’s Next Top Model season 5

Tinanghal na kampeon sa Asia’s Next Top Model season 5 ang 19-anyos na Pinay na si Maureen Wroblewitz sa June 28 episode nito.

Tinalo ni Maureen ang kapwa contenders na sina Shikin Gomez ng Malaysia at Minh Tu Nguyen ng Vietnam sa final challenge ng kompetisyon na isang fashion walk sa Singapore.

Suot-suot ang X.Q. Zhang designs para sa fashion show, nagpakitang gilas ang teen model na siya ring pinakabata na sumali sa naturang season.

Makakatanggap si Maureen ng isang Subaru Car, gagawing cover ng Nylon Singapore at pipirma ng kontrata sa London-based Storm Model Management.

Samantala, nagdiwang naman ang Pinoy fans ng show sa kanyang pagkapanalo matapos itong magtrending sa Twitter Philippines at Worldwide.

Si Maureen ang natira sa tatlong kumatawan sa Pilipinas sa nasabing show kasama sina Anjelica Santillan and Jennica Sanchez.

Read more...