AFP: Isnilon Hapilon malabong makatakas sa Marawi City

Inaalam pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga report ukol sa umano’y pagkakapuslit ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, maaaring false trail lamang ang nasabing report para lituhin at alisin ang atensyon ng pwersa ng gobyerno sa paghahanap kay Hapilon.

Kung totoo raw na nakatakas si Hapilon mula sa Marawi City, nagtataka ang AFP kung paano ito nakaalis nang hindi namonitor ng pwersa ng pamahalaan.

Mahirap din umano itong paniwalaan kaya naman patuloy nilang inaalam kung paano nangyari ang sinasabing pagtakas.

Aniya, mayroon silang natatanggap na mga report kung saan dumaan umano si Hapilon ngunit wala silang patunay ukol dito.

Dagdag pa ni Padilla, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa lahat ng posibleng daanan at lagusan, kaya hindi pa muna nila pinaniniwalaan ang ulat sa pagtakas ni Hapilon hangga’t wala silang patunay.

May $5 Million na nakapatong sa ulo ni Hapilon mula sa US State Department at P10 Million naman mula sa Duterte government.

Read more...