Ilang minutong bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila bago mag-tanghali ng Miyerkules, June 28.
Kasunod ng malakas na buhos ng ulan ang pagbaha sa ilang lansangan at matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Sa abiso ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga, apektado ng thunderstorm ang San Juan, Quezon City, Parañaque, Maynila, Pasay, Makati at Mandaluyong.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan, marami nang mga lugar kabilang ang ilang pangunahing kalsada ang agad binaha.
Sa abiso ng MMDA, nakapagtala ng gutter deep na pagbaha sa Elliptical Road sa Quezon City.
Binaha din ang bahagi ng Biak na Bato westbound, at ang E. Rodriguez Araneta westbound.
Nakuhanan naman ng video ng inquirer volunteer ang pagbaha sa West Avenue kanto ng Zamboanga Street sa Quezon City at sa harapan ng SM North Edsa.
WATCH: flood along West Ave. corner Zamboanga St. causes traffic pic.twitter.com/REKyImUG52
— Meg Adonis (@megeladonis) June 28, 2017
WATCH: Gutter-deep flood in front of SM North Edsa @INQVolunteers pic.twitter.com/zsJQrtKoeG
— Meg Adonis (@megeladonis) June 28, 2017
Maliban sa Metro Manila, inulan din ang mga ilang bayan sa Cavite at ang Nasugbu sa Batangas.