Pilipinas, nanguna sa ilang mga bansa na nagpahayag ng kumpiyansa kay Trump ayon sa global survey

Nanguna ang Pilipinas sa iilan lamang na mga bansa na nagpahayag ng kumpiyansa sa panunungkulan ni US President Donald Trump.

Sa isinagawang Spring 2017 Global Attitude Survey ng Pew Research Center na isang “Fact Tank” sa US, wala pang 10 mula sa nasa halos 40 bansa na isinailalim sa survey ang nagsabing sila ay may kumpiyansa sa kay Trump.

Ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamataas na confidence rate kay Trump na 69%, sinundan ito ng Vietnam at Nigeria na 58%, Israel 56%, Russia 53%, at ang Kenya at Tanzania 51%.

Ang nasabing mga bansa ay naniniwala at kumpiyansa na gagawin ni Trump ang tama sa mga isyu sa buong mundo.

Napakataas naman ng rating na nakuha sa mga bansang walang kumpiyansa o hindi nagtitiwala kay Trump.

Sa parehong survey, lumabas na ang mga bansa na mayroong ‘low confidence’ sa pangulo ng US ang mga sumusunod:

Mexico 93%, Spain 92%, Sweden 90%, Germany 87%, Turkey 82%, UK 75%, Canada 75% at Australia 70%.

Sa isyu naman ng characteristics ni Trump, 75% sa mga na-survey sa buong mundo ang nagsabing ito ay arogante, 65% ang nagsabing si Trump ay ‘intolerant’, 62% ‘dangerous’, 55% ‘strong leader’, 39% ‘charismatic’, 26% well-qualified to be president at 23% ang nagsabing may puso si Trump sa mga ordinaryong tao.

Isinagawa ang survey noong Pebrero hanggang Marso sa pamamagitan ng telephone at face-to-face interview.

Dito sa Pilipinas, ginawa ang survey sa piling lungsod at munisipalidad.

 

 

 

 

 

Read more...