Facebook, nakapagtala na ng 2 bilyong active users

Umabot na sa dalawang bilyon ang aktibong users ng Facebook.

Katumbas ito ng ¼ na populasyon ng buong mundo.

Mismong si Facebook co-founder at chief executive Mark Zuckerberg ang nagkumpirma ng datos sa kaniyang post.

Sa datos ng Facebook, umaabot na din sa mahigit isang bilyon na Facebook users ang sumasali sa ‘group page’ kada buwan at mahigit 800 million ang naitatalang ‘likes’ kada araw.

Limang taon ang nakalilipas nang maitala ng Facebook ang isang bilyong users, mula nang itatag ito noong 2004.

Noong Lunes, inanunsyo ng Facebook ang planong paglulunsad ng high-quality television series and gaming show.

 

 

Read more...