Foreign trips ni Pang. Duterte, “productive visits” – DTI Secretary

Ipinagtanggol na rin ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang mga nakalipas na foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte, na pinupuna dahil sa dami gayung nakakaisang taon pa lamang siya sa Palasyo.

Sa briefing sa Malakanyang, inisa-isa ni Lopez ang mga benepisyong natamo mula sa presidential visits na aniya’y “productive visits.”

Kabilang na aniya rito ang “tremendous goodwill” na nabuo ng presidente sa iba’t ibang lider ng mga bansa, na sinimulan sa mga kapitbahay sa ASEAN.

Ayon kay Lopez, bilang ASEAN chairman ay obligado si Duterte na bisitahin ang bawat ASEAN leaders.

Sa katunayan, dahil sa foreign visits ay mas naging malapit at malakas daw ang relasyon ni Duterte sa iba pang matataas na lider ng mga bansa.

Kahit aniya ang China sa pangunguna ng President Xi Jinping ay may mga commitment na sa ating bansa, sa kabila ng tensyon sa South China Sea.

Naging mabunga rin, ani Lopez, ang pagbisita ni Duterte sa ilang makapangyarihang bansa gaya ng Japan, Russia at tatlong bansa sa Middle East – ang Saudi Arabi, Bahrain at Qatar kung saan nabuo ang maraming mahahalagang kasunduan na makakatulong ng husto sa Pilipinas.

Batay sa PCOO, umabot na sa 21 ang foreign trips ni Duterte mula nang maging presidente ng bansa.

Read more...