Duterte nangakong ibabalik muli ang sigla ng Marawi

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik sa dati nitong sigla at gilas ang lungsod ng Marawi na sentro ngayon ng bakbakan sa pagitan ng Maute terror group at puwersa ng gobyerno.

Sa kanyang pangunguna sa Eid al Fitr celebration sa Malacanang kagabi, sinabi ng pangulo na kanyang tatapusin ang puwersa ng Maute at muling pasisiglahin ang buhay sa sa lungsod.

“But one thing I will promise you, my brother Moro, I will see to it that Marawi will rise as a prosperous city again,” ani Duterte.

“I will rebuild Marawi because if not, I will remain forever the villain,” dagdag pa ng pangulo.

Bilang bahagi ng rehabilitasyon, inanunsyo rin ng pangulo ang pagpapalabas ng P20 bilyon para sa pagsasaaayos muli ng Syudad na dating sentro ng ekonomiya ng lalawigan ng Lanao Del Sur.

Gayunman, iginiit ng pangulo na hindi rin aniya siya nasisiyahan na lubhang naaapektuhan ang mga Maranao sa gulo sa Marawi.

“I am not happy that the Maranaos are dying. I am not happy with the hardships you are facing. I see no satisfaction even in winning the war,” pag-amin ng pangulo.

“I just want this thing over, and these radicals and extremists out of the Muslim world.”

Aminado rin ang pangulo na nasasaktan siya sa tuwing makikita na halos madurog ang ilang lugar sa lungsod sanhi ng bakbakan.

Read more...