AFP: Walang Amerikanong tinamaan ng sniper

 

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong isang US personnel na tinamaan ng sniper sa Marawi City.

Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, wala siyang alam na anumang insidenteng kinasasangkutan ng isa sa mga Amerikanong nagbibigay ng technical assistance sa mga sundalong Pilipino sa Marawi.

Giit ni Padilla, kung mayroon mang tinamaan, malalaman nito agad.

Mayroon aniyang mga pagkakataon na umaabot ang tama ng sniper sa mga mga bahagi ng Camp Ranao, pero nasa ligtas na mga lugar ang mga US personnel.

Dahil aniya dito, hindi sila madaling mata-target ng mga kalaban mula sa kanilang mga posibleng vantage points.

Nasa dalawang linggo na ang nakalilipas nang makatanggap din ang Inquirer ng parehong ulat.

Gayunman, sinabi ni Lt. Gen. Carlito Galvez ng Western Mindanao Command na isa itong non issue.

Read more...