Ayon kay Joint Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, sinisira ng mga terorista ang dignidad ng mga babae na kanilang binihag sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi City.
Bukod dito, inuutusan din ng mga terorista ang mga bihag na nakawan ang mga bahay na walang laman at mga establisyimento upang kumuha ng mga bala, armas, ginto, pera, o kaya mga alahas.
Pinipilit din aniya ng mga ito na magbitbit ng mga armas at labanan ang mga pwersa ng gobyerno, mag-revert sa Islam at dalhin ang mga sugatang terorista sa mga mosque.
Noong Lunes, pitong mga bihag ang nasagip ng mga tropa ng pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES