Malawakang ‘cyberattack’ tinarget ang mga malalaking kumpanya sa US at Europe

 

Mula sa Twitter

Binulabog ng halos magkakasunod na ‘cyberattack’ ang ilang mga malalaking kumpanya sa maraming bahagi ng Europa at ilan pang mga lugar sa buong mundo na nagresulta sa pagkabalam ng operasyon ng marami sa mga ito.

Kabilang sa kumpanya na naapektuhan ng hinihinalang panibagong anyo ng ‘ransomware’ ay ang sangay ng Merck, isang malaking US pharmaceutical company na nagsabing naapektuhan ng ‘global cyberhacking’ ang kanilang computer network.

Maging ang mga server ng Rosneft, na nangungunang oil producer ng Russia ay naapektuhan rin.

Ilan pang mga bangko ang naapektuhan sa Russia at maging ang computer network ng pamahalaan ng Ukraine at kanilang National Bank at paliparan ay tinarget rin ng cyberattack.

Sa Copenhagen, nakaranas rin ng malawakang computer system outage ang AP Moller-Maersk, na isang global shipping company.

Maging ang radiation monitoring system ng ‘Chernobyl’ nuclear plant sa Russia ay tinamaan rin ng cyberattack.

Bukod sa mga naturang kumpanya, sunud-sunod na rin ang mga ulat ng iba pang mga cyberattack ng hinihinalang ’ransomware’ virus sa ilan pang bahagi ng Europa.

Sa naturang pag-atake, pinapasok ng mga hacker ang computer system ng mga kumpanyang kanilang binibiktima at mistulang hino-hostage ang mga file ng mga ito.

Dito na hihingi ng ‘ransom’ang mga hacker sa kanilang mga biktima sa pamamagitan ng ‘bitcoin’ bago alisin ang ‘ransomware’ virus.’

Read more...