Post Eid’l Fitr celebration sa Malacañang pinangunahan ni Duterte

Matapos ang anim na araw na pahinga, nagpakita na sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ni Duterte ang selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Rizal Hall, sa Malacañang.

Present sa selebrasyon ang ilang Muslim leaders sa pangunguna ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohaqher Iqbal.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na nagpapasalamat siya dahil naibuhos niya ang kanyang mga sama ng loob sa nangyayari sa Marawi City.

Nangako rin ang pangulo na gagawin niya ang lahat para makabangon agad ang lungsod, pero idadaan aniya ito sa proseso.

Nasasaktan aniya siya sa mga nanggyayari sa Marawi na mahigit isang buwan nang sinasalakay ng Maute terror group.

Una nang sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na naging busy lang ang pangulo sa mga importante bagay na dapat nitong gawin at tapusin.

Huling nakita ng publiko si Pangulong Duterte noong June 21 matapos bisitahin ang isang evacuation center sa Iligan City, Lanao del Sur.

Bago pa ang anim na araw na absent ng pangulo, hindi rin nagpakita si Duterte sa publiko simula noong June 12 hanggang June 17.

Pero paglilinaw ni Abella, nagpahinga lamang ang pangulo, sabay giit walang sakit at nasa maayos na kundisyon ang chief executive.

Read more...