Residente ng Dasmariñas Village kinasuhan ng Globe Telecom

Photo: Radyo Inquirer

Naghain ng civil suit ang Globe Telecom laban sa isang residente ng Dasmariñas Village sa Makati City.

Ang respondent sa reklamo ay si Betty Aw kung saan ay humihingi ang nasabing telecom company ng moral dameges na umaabot sa P5 Million dahil sa pagharang ng naturang homeowner sa ginawang service improvement ng Globe Telecom sa nasabing lugar.

Ang nasabing telco ay humihingi rin ng exempleray damages na P500,000 at attorney’s fees.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng Globe na bago ang plano sa installation ng outdoor distributed antenna system (ODAS) ay lumiham sila sa pangulo ng Dasmariñas Village Association Inc. (DVAI) na si Bernie Lichayto.

Pero bago pa man talakayin sa DVAI ang kanilang request ay kaagad umanong nagpakalat ng maling balita si Aw na nagsabing magbibigay ng panganib sa kalusugan ng mga residente sa nasabing exclusive village ang radiation emission na magmumula sa nasabing mga communications antennas.

Ikinatwiran ng Globe na walang katotohanan ang nasabing mga pahayag ni Aw at sila mismo ay gumawa ng paraan para makipag-ugnayan sa mga residente ng Dasmariñas Village.

Kinuha rin nila ang serbisyo ng Center for Device regulation, Radiation Health and Research.

Sa nasabing pag-aaral ay lumabas na hindi sapat ang radio frequency radiation (RFR) na nagmumula sa mga antenna ng Globe para magdulot ng panganib sa mga residente ng Dasmariñas Village.

“The malicious and false rumors were made by Ms. Aw with no other intention than to tarnish the good image of Globe. Since defendant made the statements and circulated the same in the village, the company has been receiving queries and angry calls from the homeowners and residents, government officials and influential businessmen,” ayon pa sa pahayag ng Globe.

Dagdag pa ng nasabing telco, “For many years now, Globe has been experiencing difficulty in securing permits from villages, which is one of the 25 permits necessary for the telecommunications provider to put up one cell site. The permitting process for establishing a cell site could take at least 8 months to complete. The adamant refusal of some homeowners resident groups to allow the deployment of telecom facilities, such as cell sites, continues to deprive many Globe customers of reliable mobile services.

Read more...