Umapela si Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng Task Force Marawi na itigil na ng publiko ang pagpapakalat ng mga misinformation tungkol sa sinasabing looting na kinasasangkutan ng mga pulis at sundalo sa Marawi City.
Aniya, 24/7 simula pa noong May 23 ibinubuwis ng pwersa ng gobyerno ang kanilang mga buhay para lang mapuksa lang ang mga teroristang Maute mula sa nasabing lungsod.
Hinimok naman ni Herrera ang mga biktima ng looting na sinasabing ginawa ng mga tropa ng gobyerno na kaagad itong ireport upang masimulan na ang imbestigasyon laban sa mga ito at mapatawan ng karampatang parusa.
Humiling si Herrera ng kooperasyon at pakikipagtulungan ng lahat para matapos na ang lagpas isang buwan na krisis sa Marawi City.
Nauna nang inakusahan ng Integrated Bar of the Philippines sa Lanao del Sur ang mga sundalo na sila umano ay nagsasagawa ng illegal searches at sangkot sa pagnanakaw ng mga gamit ng mga residenteng lumikas sa lugar.
Dalawang sibilyan naman sa Marawi City ang hinuli matapos magnakaw ng mga appliances mula sa isang bahay sa naturang lungsod.