Sa briefing sa Palasyo, hindi makumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang napabalitang paglabas ni Hapilon mula sa lungsod na inatake ng pinangunahan nitong Maute terror group.
Sa kasalukuyan aniya ay masasabing “raw” o hilaw pa ang mga lumulutang na impormasyon, kaya naman nagpapatuloy ang validation ng militar ukol sa nabanggit na report.
May mga ulat din na napatayna ng militar ang isa sa mga lider ng Maute group na si Omar Maute base sa ulat ngilang nakatakas na bihag ng grupo.
Pero kung talagang nakapuga na si Hapilon at iniwan ang mga kasamahang terorista, sinabi ni Abella na lumalabas na duwag ang isa sa most wanted terrorists.
Base sa mga naunang intelligence report, si Hapilon kasama ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute ang nagplano ng pag-atake sa Marawi City.