Ayon kay Chief Superintendent Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon Police Regional office, bahagi ito ng programang “Tour of Duty of PNP Personnel Deployed in Armed-Conflict Areas, Counter- Insurgency Operations and other Similar Serious Threats to National Security.”
Ipinahayag ni Aquino na katatapos lamang ng mga pulis na kanilang ipinadala sa CDO sa Character and Aptitude Training at sumailalim na rin sa tactical and combatant trainings.
Dagdag pa ni Aquino, mananatili sa lugar ang nasabing mga pulis hanggang sa bumalik na sa normal ang sitwasyon sa Mindanao.
Ang Mindanao ay isinailalim sa Martial Law matapos sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng ISIS-inspired Maute terror group sa Marawi City.