Pacquiao, balak i-knockout ni Horn

Boxer Manny Pacquiao of the Philippines works out in advance of his WBO welterweight bout against Jessie Vargas, in Los Angeles, California, U.S., October 26, 2016. REUTERS/Lucy Nicholson

One-punch knock-out na mala-Juan Manuel Marquez ang target gawin gn Australian boxer na si Jeff Horn kay Manny Pacquiao sa kanilang magiging laban sa July 2 sa “Battle of Brisbane.”

Sa gym kung saan nagsasanay si Horn ay nakapalibot ang mga posters ng mga nagdaang laban ni Pacquiao kontra Timothy Bradley, Floyd Mayweather Jr., Chris Algieri, Jessie Vargas at Brandon Rios.

Tila paalala ito ni Horn sa kaniyang sarili sa kung gaano kalakas ang kaniyang kakalabanin para sa WBO welterweight title.

Gayunman, wala dito ang poster ng laban ni Pacquiao kay Marquez na nakapagpatumba sa Filipino champ sa kanilang ika-apat na laban noong 2012.

Naniniwala si Horn na ang kaniyang height na 5-foot-9 at ang kaniyang edad na 29 taong gulang ang kaniyang lamang kay Pacquiao na 10 taong mas matanda sa kaniya at mas maliit sa kaniya ng tatlong pulgada.

Aminado naman si Horn na ang matagal nang karanasan ni Pacquiao sa magagaling na mga kalaban ay malaki din ang maitutulong sa kanilang laban.
Excerpt:

Read more...