Ayon kay PAGASA Forecaster Samuel Duran, huling namataan ang LPA sa 450 kilometers East ng Maasin sa Southern Leyte.
Sinabi ni Duran na sa ngayon ay mababa ang tsansa na ito ay magiging isang ganap na bagyo.
Pero ayon kay Duran, patuloy ang kanilang pagbabantay dahil hindi pa rin nila inaalis ang tsansa na ito ay lumakas at maging isang bagyo.
Sakaling ma-develop bilang isang ganap na bagyo ay papangalanan itong Jenny.
Ayon kay Duran, ang nasabing LPA ay maghahatid ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region at sa lalawigan ng Quezon.
Habang sa Metro Manila, makararanasan pa rin ng isolated thunderstorms na magpapaulan sa hapon o gabi./Dona Dominguez-Cargullo