Sa Pulong Balitaan sa Kampo Aguindalo, sinabi ni Armed Forces of the Philippines public affairs Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nasa 387 na ang nasawi sa bakbakan.
Sa naturang bilang, pitumpu ang nasawi mula sa hanay ng pamahalaan.
Nasa 290 naman mula sa hanay ng mga terorista ang nalagas.
Ayon pa kay Arevalo, 27 sibilyan ang pinatay ng Maute group.
Nasa 347 naman aniya na mataas na baril mula sa Maute ang narekober ng tropa ng militar.
Sinabi din ni Arevalo na nag resume na ulit ang opensiba ng militar laban sa Maute group matapos ang walong oras na humanitarian pause na una nang ipinatupad bilang pag respeto sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.