Ayon kay Armed Forces of the Philippines public affairs office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, batay ito sa salaysay ng mga sibilyan na kanilang nailigtas na hindi na umano nila nakikita si Hapilon at base na rin sa kanilang natatanggap na impormasyon sa grounds.
Pero paglilinaw ni Arevalo, sumasailalim pa sa kumpirmasyon ang naturang impormasyon.
Dagdag ni Arevalo, beneberipika na rin ng kanilang hanay kung nakalabas na ng Marawi si Hapilon.
Dahil sa pagtakas umano ni Hapilon, sinabi ni Arevalo na isa itong indikasyon na unti-unti nang nagtatagumpay ang militar sa pagpuksa sa teroristang grupo.
Sakali mang nakatakas na si Hapilon sa Marawi, tiniyak ni Arevalo na tuloy pa rin ang pagtugis ng militar sa teroristang lider.