Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st infantry Division ng AFP, may nakuha silang mga ulat na nagkakagulo sa leadership issue ang Maute.
“We have received reports that Maute leadership inside conflict zone is crumbling. We’ve validated reports that there are leadership problems inside Maute group,” ayon kay Herrera.
Ayon kay Herrera, may mga miyembro na rin ng grupo na gusto nang makalabas ng Marawi. Nagsisisi umano ang mga ito na sila ay pumasok sa Maute group matapos pangakuan ng malaking halaga ng mga lider nito.
Limitado na rin aniya ang ginagalawan ng mga terorista at papaubos na ang bala.
Sinabi ni Herrera na umabot na sa 85 gusali ang matagumpay na napasok at na-clear ng pwersa ng pamahalaan.
Marami aniyang bombang nadidiskubre ang mga sundalo tuwing mayroong napapasok na gusali na pinagkutaan ng grupo.
Maliban sa pampasabog, patuloy ding nakaka-recover ng mga armas, bala at ilegal na droga sa mga lugar na napapasok ng militar.