DOTr, isinagawa ang ceremonial markings sa unang limang istasyon ng Manila-Clark railway project

Inquirer Photo | Jovic Yee

Nagsagawa ng ceremonial markings ang Department of Transportation (DOTr) sa mga magiging istasyon ng Manila-Clark Railway Project.

Labingpito sa kabuuan ang magiging istasyon ng naturang railway project na inaasahang makapagpapabilis ng biyahe mula Maynila patungo sa Clark Pampanga.

Kabilang sa mga istasyon ang Tutuban, Tondo, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark International Airport at sa panukalang New Clark City sa Pampanga.

Sa seremonya ngayong araw, isinagawa ang marking sa unang limang istasyon ng railway project.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, sisikapin nilang tapusin ang proyekto sa ilalim ng Duterte administration.

Tinatayang P225 bilyon ang halaga ng proyekto na popondohan sa ilalim ng official development assistance mula sa Japan.

Read more...