Davao Occidental at Negros Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Naganap ang pagyanig alas 3:45 ng madaling araw.

May lalim na 108 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 3:02 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Hinoba-an Negros Occidental.

10 kilometers naman ang lalim ng pagyanig na naitala ng Phivolcs sa 32 kilometers West ng Hinoba-an.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

 

 

 

Read more...