9 ang patay, 28 pa nawawala sa paglubog ng tourist boat sa Colombia

(UPDATE) Umabot na sa siyam ang nasawi habang nasa 28 pa ang pinaghahanap makaraang lumubog ang isang tourist boat sa northwest ng Colombia.

Ayon kay General Jorge Hernando Nieto, director ng National Police sa Colombia, nasa 170 katao ang sakay ng multi-story ferry nang ito ay lumubog sa bahagi ng Penol reservoir.

Umabot naman na sa 99 ang nailigtas habang patuloy pa ang rescue operations sa mga nawawalang pasahero.

Nagtutulong-tulong na rin ang helipcopter ng air force, divers at iba pang otoridad para masagip ang mga sakay ng lumubog na ferry.

Sa video na ipinost sa social media, makikita ang multi-story ferry na unti-unting lumulubog habang nagtutulong-tulong ang maliliit na pump boat sa lugar para iligtas ang mga sakay nito.

Read more...