Tickets sa laban nina Pacquiao at Horn, malapit nang ma-sellout

Malakas pa rin ang hatak ng laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Australia na tinaguriang “Battle of Brisbane.”

Ayon kasi kay Mike Koncz na adviser ni Pacquiao, sinabi sa kaniya ng mga Australian organizers na 45,000 na tickets na ang nabili, at nagdagdag pa sila ng 5,000 na tickets.

Naniniwala naman si Koncz na kailangang mas galingan ni Pacquiao sa laban na ito upang hindi madismaya ang mga fans.

Aniya, kailangang gumawa ng “statement” si Pacquiao at hindi hayaang tumakbo ang laban sa loob ng 12 rounds at manalo nang dahil lang sa desisyon.

Samantala, sa tingin ni Koncz ay masyado pang hilaw si Horn para lumaban kay Pacquiao dahil kulang pa ito sa karanasan.

Read more...