DENR-6 Nagbabala na sa parating na El Niño

 

Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources Region-6 (DENR-6) sa mga lokal na pamahalaan sa Kanlurang Visayas, dahil sa posibilidad nang kakulangan sa tubig ngayong darating na Oktubre, dulot ng El Niño.

Ayon kay DENR-Region 6 Director Jim Sampulna, hindi na kailangang hintayin ang mga ilog, at mga katubigan na matuyo at mawalan ng pagkukunan ng tubig.

Sinabi pa niya na mataas ang tyansa na matuyo ang siyam na dam sa rehiyon, na may kabuuang lakwak na humigit kumulang 132,000 ektarya.

Sinimulan na ng DENR-Region 6 ang kampanya sa pagtitipid ng tubig para sa mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, IloIlo at Negros Occidental, upang maghanda at magsagawa nang nararapat na aksyon. /Stanley Gajete

Read more...