Pilipino,arestado sa Hawaii dahil sa pagpatay sa kaniyang asawa

filipino immigrant arrested hawaiiArestado ang isang Pilipinong immigrant sa Hawaii matapos niyang patayin sa saksak ang kaniyang asawa habang sila ay nagtatalo.

Nakilala ang suspek na si Pablo Fiesta Jr. na kinasuhan ng second-degree murder na may piyansang $500,000, dahil sa kaniyang ginawa sa kaniyang asawang si Cecilia Fiesta sa kanilang tahanan sa 1017 Puolo Drive.

Ayon sa Honolulu District Court, nasaksihan ng kanilang 10-taong gulang na anak ang ilang beses na pananaksak ng kaniyang ama sa kaniyang ina na isinugod sa ospital kung saan siya naideklarang patay.

Kinabukasan matapos ang insidente, sumuko si Pablo sa mga pulisya at ngayon ay nakakulong na sa Oahu Community Correctional Center./Kathleen Betina Aenlle

Read more...