Nagparating ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga naiwang pamilya ng biktima sa nangyaring landslide sa bahagi ng Xinmo, Sichuan sa China.
Aabot sa labinglima katao ang patay habang isandaan naman ang pinaniniwalaang nabaon sa mga nahulog na debris sa landslide.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, nakikiisa ang bansa sa gobyerno at mga mamamayan ng China sa nangyaring sakuna.
Ayon sa Chinese state media, mahigit-kumulang animnapung bahay sa hilagang bahagi ng Xinmo ang narekober sa putik at debris.
Patuloy pa rin ang rescue operations ng mahigit 1,000 manggagawa at 100 medical staff sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES