Pananim na mais sa Isabela, apektado ng matinding init ng panahon

INQUIRER PHOTO

Problema ng mga magsasaka ngayon sa Northern Isabela ang matinding init ng panahon doon.

Dahil dito, nais nilang hilingin sa local government units sa lalawigan na magsagawa ng cloud seeding operations.

Iyan ay upang magkaroon ng artipisyal na ulan at masagip ang mga pananim na mais na nasa flowering stage.

Una nang sinabi ni Arnold Manzano ng Cabannungan second, Ilagan City na sa tuwing sumasapit ang umaga ay nalulukot ang mga dahon ng mga mais dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Kapag hindi aniya kasi nadiligan o naulanan ang mga puno ng mais na namumulaklak ay magiging ampaw ang bunga nito.

Read more...