Central Japan, niyanig ng 5.2 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang central Japan, umaga ng Linggo, pero walang napaulat na tsunami warning ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa 30 kilometers west ng Ina, sa Nagano prefecture.

Bandang 7:02 ng umaga ng tumama ang lindol, na may lalim na 10 kilometers o 6 miles.

Ayon naman sa public broadcaster na NHK, wala pang naiuulat na pinsala o nasugatan dahil sa nasabing lindol.

Sinabi din ng NHK na pansamantalang sinuspinde ang Shinkansen bullet train services, habang wala naman naiulat na abnormality sa mga nuclear power plant sa rehiyon.

Patuloy naman na minomonitor ng JMA ang posibleng idulot ng pagyanig.

Read more...