Mula 6 AM hanggang 2 PM ngayong araw ay sandaling ititigil ng gobyerno ang putukan upang irespeto ang Eid’l Fitr para sa Muslim community.
Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, ang “humanitarian pause” ay tatanggalin kung manganganib ang sitwasyon ng mga sibilyan o mga sundalo.
Ayon naman kay Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Marawi Crisis Management Committee, mayroon pang nasa 300 sibilyan ang nananatiling trapped sa Marawi.
Idineklarang national holiday sa Lunes, June 26 bilang selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang katapusan ng Ramadan.
MOST READ
LATEST STORIES