Ayon kay Quevedo, ang naturang pagsira ay napakasama at hindi na dapat ito maulit.
Matatandaang noong Miyerkules ng sirain ng BIFF ang mga religious icons at ibang bagay sa nasabing chapel.
Gumamit ang mga ito ng martilyo sa pagsira ng mga gamit sa dito.
Una ng sinabi ng mga Kristiyano sa Pigcawayan na hindi nila hahayaan ang naging pagsira ng BIFF sa naturang chapel para mahati sila at ang kanilang mga kababayang Muslim sa lugar.
Dagdag pa ni Quevedo na dapat ding mapigilan ang pagsira sa mga lugar sambahan ng mga Muslim.