OPAPP, nagdududa na kung itutuloy pa ang peace negotiation sa komunistang grupo

Binatikos ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAAP) ang nagkokontrahang sinasabi at ginagawa ng mga rebeldeng komunista.

Kasunod ito ng magkakasunod na pag-atake ng New Peoples Army (NPA) sa ibat ibang panig ng bansa sa kabila ng alok nitong tigil opensiba dahil sa nagaganap na labanan sa Marawi.

Sa isang pahayag, sinabi ng OPAPP na nakakabahala ito dahil una nang kinondena ng mga lider ng komunistang grupo sa Europa ang pag-atake ng teroristang grupo sa Marawi at nag-alok pa na ititigil muna ang opensiba sa Mindanao para makatutok ang pamahalaan sa paglaban sa Maute Group.

Target ng mga pag-atake ng NPA hindi lamang ang mga pwersa ng gobyerno kundi pati ang mga sibilyan at pribadong mga ari arian.

Nanindigan ang OPAPP na ito ay malinaw na paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, na pinanumpaan ng komunistang grupo na paiiralin at irerespeto.

Giit pa ng OPAPP, ang mga nasabing mga pag-atake ay nagbibigay ng pagdududa sa publiko kung dapat pang ituloy ang peace negotiation sa komunistang grupo.

 

Read more...