Kasunod ito ng pagtatapos ng ikalawang public consultation ng DOE na naglalayong lalong pagandahin ang National Energy Efficiency Standard para sa appliances tulad ng mga air conditioners, refrigerators at lighting products tulad ng LED lamps.
Ang inputs mula sa mga eksperto na dumalo sa konsultasyon ay gagamitin para mapaganda ang panukalang Particular Product Requirements (PPRs) na tutulong sa mga consumers na matalinong makapili ng gamit sa bahay na matipid sa kuryente.
Paliwanag naman ni Director Amelia de Guzman ng DOE, Energy Research and Testing Laboratory Services, hindi lamang nito matutulungan ang mga consumer para makatipid sa kuryente kundi makakabawas din sa carbon emission na nakakapag-contribute sa climate change.
Kasama ng DOE sa dayalogo ang mga ka-partner nito mula sa European Union, Department of Trade and Industry (DTI) at ilang grupo mula sa pribadong sektor.
Bukod sa mga consumer product, sakop din ng PESLP ang mga television sets, washing machines pati ang mga pampasahero at commercial vehicles.