Pride March 2017, idinaos sa Marikina City

Idinaos ang Pride March 2017 sa pangunguna ng LGBT community at ng mga tagasuporta nito sa Marikina City.

Libu-libo ang nakiisa sa selebrasyon kung saan dala-dala nila ang mga rainbow flag na mga banners, makukulay na mga lobo at mga payong.

Maraming mga organisasyon din ang nakiisa sa naturang pagmartsa.

Ayon sa ilang LGBT members sila ay sumama sa pagmartsa para sa kaligtasan ng mga nadi-discriminate dahil sa kanilang sexual orientation o preference, ang pagkakapantay-pantay ng lahat at ang pagkakaroon ng hustisya sa mga miyembro ng kanilang komunidad.

Habang ang ilan namang sumusporta sa LGBT community ay kanilang ipinaglalaban ang pagkakroon ng isang ligtas na lugar para sa kanilang mga kaibigan.

Read more...